VLOG WATCH: Xian Lim and Kim Chiu’s Trip to Punta Fuego!

Vlog Watch

ISA SA mga celebrity couples na madalas magshare ng kanilang travels ay ang longtime magdyowa na sina Xian Lim at Kim Chiu. Hindi man sila visible as a loveteam these days, hindi naman maikakaila na habang tumatagal ay lalong tumatamis at sumasarap ang pagsasama ng dalawa.

Katatapos lang ni Xian Lim ng kanyang game show sa TV5 habang si Kim Chiu naman ay busy sa pagbibigay aliw sa mga madlang pipol araw-araw via It’s Showtime. S’yempre, kung todo work ang dalawang bituin, deserve naman nila na mag-todo bonding!

Sa latest vlog ni Xian Lim ay sinundo nito si Kim sa studio ng It’s Showtime para dumireto sa Batangas at makapagrelax sa Punta Fuego. From their sweet hellos to dealing with the traffic to finally maximizing their stay in the luxurious place, hindi mo talaga maiwasan na mapa-sana all sa lambingan ng dalawa! In a world full of chaos, maganda na makakita tayo ng mga tambalang walang negativity sa katawan at puro love lang ang ipinapakita sa isa’t isa. Weeee!