VLOG WATCH: Xian Lim and Kim Chiu’s Boracay Getaway!

Vlog Watch

BORACAY is an ideal getaway para sa mga taong gustong mag-chill lang by the beach o gusto ng change of scenery lalo na’t karamihan sa atin ay nagpirmi lang sa bahay o sa workplace. Alam niyo na – bawal lumabas!

Bago natapos ang taong 2020 ay nagsama ang real-life love birds na sina Xian Lim at Kim Chiu sa isla ng Boracay kasama ang Chiu Family para sa kanilang much-needed R&R trip. Sa dami ng activities na ginawa ng magdyowa bilang magka-loveteam and as individual artists, deserve lang naman nila na magrelax muna bago mag-back to work ulit pagbalik ng Maynila.

Sa mga curious tungkol sa ‘new normal’ ng pagpunta sa Boracay, mapapanood ninyo ang travel vlog ni Xian tungkol sa trip nila ng kanyang one and only. Nakakamiss tuloy ang napakasikat na Boracay white sand and sunset! Mas lalong memorable ang mga ganitong trip kapag kapiling mo ang taong minamahal mo. Yihee. Nuks naman!

Pero wait… may engagement kayang naganap? SANA! Bet na bet namin na ma-witness on a Boracay beach wedding ang KimXi!