VLOG WATCH: Winwyn Marquez unboxes the BTS ‘BE’ album!

ADVERTISING
Vlog Watch

MARAMING artista ang maituturing na certified BTS ARMY lalo na ngayong 2020 na karamihan sa atin ay stuck sa bahay kaya naghahanap ng paraan kung paano aliwin ang sarili. Ang ilan ay nahilig sa KDrama habang iba naman ay nilamon na ng K-pop.

Isa ang actress/beauty queen na si Winwyn Marquez sa mga certified BTS ARMY. Matagal nang kasama sa fandom ang dalaga. Sa katunayan, nakanood pa ito ng concert ng grupo last year at malapitan niyang nakita ang pitong pinakasikat na Koreano sa buong mundo ngayon. Mapapa-sana all ka na lang talaga!

ADVERTISING

Last month ay inilabas ng BTS ang kanilang quarantine album ‘BE’. Kilala ang BTS sa paglalabas hindi lang ng mga magandang kanta at performances kundi mga bonggang album. Very special ang BE album dahil siksik sa photocards at kung anu-anong paandar ang laman nito.

 

ADVERTISING

To share her joy, nagrecord ng isang unboxing video si Winwyn Marquez at halatang kilig na kilig habang binubuksan ang kanyang much awaited album. Relate ba kayo?

ADVERTISING