VLOG WATCH: What’s Inside Bea Alonzo’s Customized Van? Here’s a Tour!

Vlog Watch

BEA ALONZO is BEA ALONZO. Kahit na saan mang network siya maglingkod ay nakatatak na sa industrya ng showbiz ang kanyang pangalan bilang isa sa pinaka-respetadong aktres ng kanyang henerasyon.

Ngayon na isa na siyang certified Kapuso, soon ay mapapanood na natin siya muli sa ating telebisyon. Little by little nga ay lumalabas na ito sa iba’t ibang programa ng network. From Sunday All-Stars to Bubble Gang and now thinking of possible concepts for her next teleserye, Bea Alonzo is truly excited to get back to work again!

Ngayon na nalalapit na muli maging fully booked si Beautiful Bea, bumili at nagpa-customized na ito ng bagong van na mula sa kanyang hard-earned money. Necessity sa mga artista ang pagkakaroon ng sariling van dahil madalas ay dito na rin sila nagbibihis, natutulog at nagpapahinga kapag nakatengga sa set.

Sa munting van tour ni Bea Alonzo ay mapapa-sana all ka na lang talaga! Want inspiration? Nood na!