VLOG WATCH: Welcoming 2021 in Boracay: Our Wishes and Goals This Year by Kathryn Bernardo

Vlog Watch

BORACAY is one of the best places to go to kung gusto mo ng quick escape from the ‘lockdown’ reality. Ito mismo ang ginawa ni Kathryn Bernardo kasama ang kanyang pamilya at ang dyowang si Daniel Padilla para salubungin ang bagong taon.

Isa sa mga successful projects ni Kathryn noong 2020 ay ang pag-launch ng kanyang ‘Everyday Kath’ YouTube channel and in fairness, consistent ito sa pag-upload ng content! Ang nagustuhan namin ang unti-unting pag-open up ng dalaga ng kanyang personal life at mga hobbies na para sa ilang tao ay naging isang misteryo for a while. Alam niyo naman na for Kathryn, she prefers to keep her private life as private as possible.

Sa bagong vlog ni Kathryn ay dinocument naman nito ang kanyang yearend Boracay trip, kung saan kasama niya ang kanyang loved ones. Dito ay ibinahagi na rin niya ang mga goals niya for the new year at mga bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

Noong 2020 ay naging abala ang tambalang KathNiel sa digital series na ‘The House Arrest of Us’ na mapapanood pa rin sa IWANTTFC at KTX. Sigurado na push na rin ang pagbabalik-teleserye nila this 2021 kaya abangan na ‘yan!

While waiting, atin munang namnamin ang Boracay trip ni Kathryn with her loved ones. Gusto ko na rin magtravel!