VLOG WATCH: Wallet Raid ni Vice Ganda sa It’s Showtime Hosts!

Vlog Watch

IT’S WALLET RAID TIME! Ito mismo ang ginawa ng one and only Unkaboggable Superstar ng Pilipinas na si Vice Ganda sa kanyang co-hosts sa lumalaban pa rin na noontime variety show na ‘It’s Showtime’.

Dahil sa pagiging busy ng ilan sa mga paborito nating artista, ang ilan sa kanila ay hindi na nagdadala ng maraming cash. Umaasa sila sa credit o debit cards at swipe-swipe na lang kung kinakailangan, o di kaya’y dependent sila sa kanilang Personal Assistants na maging taga-bayad muna at irereimburse later on.

 

Just for fun ay nagsagawa ng ‘wallet raid’ si Vice Ganda kina Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Kim Chiu. Sino kaya sa kanila ang may pinakamaraming cash na dala? Meron din kaya tayong masisilip na ‘private’ item na nakasiksik sa kanilang wallet? Nood na!