VLOG WATCH: Vin Abrenica pranks Sophie Albert in ‘Totropahin o Jojowain’ (dyinowa lahat!)

Vlog Watch

CHILL LANG ang relasyon ng new parents na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Bilang magnobyo for more than eight years, by now ay kabisado na ng Artista Academy alumnas ang isa’t isa. Alam na ni Vin ang mga tipong lalaki ni Sophie at gamay na rin ni Sophie ang mga qualities ng girls na mapapalingon si Vin.

Sa Totropahin o Jojowain Challenge normally nagkakaroon ng misunderstanding ang mga gumagawa nito dahil biglang may nagseselos. Ang challenge para kay Vin ay pagselosin ang kanyang partner. For the longest time daw kasi ay mahirap paselosin si Sophie. Well, I guess ganyan naman talaga kung fully trusted ka ng dyowa mo, ‘diba? Ibig sabihin, katiwa-tiwala si Vin! Ayiii!

Ganito ang original plan ni Vin: Ang first two girls na imemention ni Sophie ay totropahin ni niya, pero lahat ng succeeding ay jojowain na niya. Magtagumpay kaya si Vin sa kanyang pinaplanong prank, o agad ba siyang mabubuking? Panoorin!