VLOG WATCH: Vilma Santos-Recto’s Trophy Collection (plus movie trivias!)

Vlog Watch

NAG-IISA lang ang Star for All Seasons ng Pilipinas and that’s Vilma Santos-Recto. Focused man ito ngayon sa kanyang political career, hindi naman maipagkakaila na malaki ang contribution nito sa Sining ng Pelikulang Pilipino at isa rin ito sa legends ng showbizlandia.

Ngayon na nagbukas na rin ito ng kanyang sariling YouTube Channel as requested by her loyal fans and followers, unti-unti na rin itong mag-o-open up tungkol sa kanyang personal life. S’yempre, isa sa most requested ng mga fans ay ang isang trophy collection reveal at magbahagi ng ilang interesting trivias about the movies she has done in the past.

Nakakalula ang dami ng acting awards ni Ate Vi! Nakakalula rin ang mga rebelasyon niya about her colorful showbiz career particularly her past loveteams like Bobot Mortiz and Christopher de Leon. Ano nga ba ang masasabi rin niya kina Carlo Aquino, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz? What about her first acting experience with son Luis Manzano? May balak pa ba itong gumawa ng pelikula in the near future? ‘Yan at marami pang iba sa bonggang video ni Ate Vi!