VLOG WATCH: Usapang Breadwinner with Dimples Romana and Julia Montes

Vlog Watch

KAHIT NA isang dekada na ang nagdaan nang magsama sa remake ng Mara Clara ang Kapamilya stars na sina Dimples Romana at Julia Montes bilang mag-inang Almira at Clara, hindi naman nawala ang real-life connection nila bilang magkaibigan.

Matagal nang walang proyekto ang dalawa na magkasama, pero naging constant naman ang kanilang pagkikita to the point na naging regular visitor na sa bahay nina Dimples si Julia.

In real-life, ang tunay na ‘Mara’ ay si Julia (real name: Mara Hautea Schnittka). Interesting ang istorya kung bakit nag-iba ng screen name si Julia. Nakakaaliw din na walang kiyeme ito sa kanilang mukbang ni Dimples na nagkamay pa habang inaalala ang kanilang early memories bilang breadwinner ng kani-kanilang pamilya.

 

Alam niyo ba na mahilig pala si Julia sa pabango? May konek sa pabango ang unang binili nito nang makuha niya ang kanyang unang sahod sa Mara Clara. ‘Yan at marami pang nakakatakam na revelations on Dimples Romana’s latest vlog! Sana soon ay magkaroon na rin ng sariling YouTube channel si Julia dahil aminin niyo – nakakamiss din siya!