VLOG WATCH: Trip to Masbate with Ivana Alawi

Vlog Watch

PAGKATAPOS ng mahigit dalawang taon ay nakatakda na ang pagbibida ng sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi via the upcoming Kapamilya teleserye na pinamagatang ‘A Family Affair‘. Hindi lang isa kundi apat ang kanyang leading men that includes Sam Milby, Gerald Anderson, Jameson Blake and Jake Ejercito. O ‘diba, haba ng hair!

To make her first lead role in a primetime series ay bongga din na sa Masbate ang location. Knowing Ivana, in between breaks ay hindi nito nakakalimutan na makipagbonding sa kanyang mga katrabaho. Sa kanyang first Masbate vlog ay makikita natin kung anu-ano ang ginagawa ng isang Ivana Alawi during her taping breaks. Ano nga ba ang mga kuwentong baon ni Ivana mula sa Masbate?

Kahit na wala pa kaming ideya sa itatakbo ng ‘A Family Affair’, hindi namin maitago ang aming excitement na sa wakas ay natuloy din ang pagbibida ni Ivana sa isang teleserye. Tuloy ang LIGAYA!

Previous articleTop 5 Son Ye-Jin KDramas to Watch
Next articleThings You Didn’t Know About Ahn Hyo Seop