VLOG WATCH: Toni Gonzaga Boracay Sassy Birthday Trip

Vlog Watch

MARAMING dapat ipagpasalamat ang talented actress/host/performer na si Toni Gonzaga. Maliban sa presence ng kanyang loving husband Paul and adorable son Seve, hanggang ngayon ay nananatiling relevant and in-demand pa rin ito sa iba’t ibang proyekto.

Last week lang ay ikinumpirma na ni Toni sa pamamagitan ng kanyang birthday vlog with husband Direk Paul na siya ang bida sa Philippine adaptation ng ‘My Sassy Girl‘. Ang pelikula ay isa sa iconic Korean films na minahal ng mga Pinoy kaya naman nararapat lang na someone good ang hahalili sa role ni ‘Sassy Girl’ (originally played by Jun Ji-hyun).

Kahit noong pasikat pa lang si Toni sa bakuran ng GMA-7 ay marami na ang nagsasabi na swak na swak kay Toni ang papel na ito. Twenty years man ang hinintay, happy pa rin kami na kay Toni napunta ang proyektong ito. Believable pa rin naman na nasa early 20’s ito, huh!

For her birthday celebration ay lumipad ang pamilya sa Boracay, kung saan naroroon din ang Soriano and Gonzaga clan. Panoorin natin ang masayang birthday celeb ni Toni G!