VLOG WATCH: Tom Rodriguez and Carla Abellana’s Wedding Planning!

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang pagiisang-dibdib ng Kapuso royalty couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana o TomCar. October will be a special month!

Sa mga hindi nakakaalam, engaged na sina Tom and Carla as early as October 2020. Nilihim muna ng dalawa sa publiko ang kanilang engagement for a few months dahil papasok na noon si Carla sa last cycle ng kanyang lock-in taping for the then remaining episodes of the drama series ‘Love of my Life’.

Sa ngayon ay busy ang magdyowa on different projects: Tom with ‘To Have and to Hold’ na ngayo’y napapanood na sa GMA Primetime, at si Carla naman with the upcoming drama series na ‘To Have and to Hold’. Kahit na physically ay ‘magkahiwalay’ ang dalawa, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang wedding preparations!

 

Narito ang pasilip sa mga wedding preparations na nagawa na ng TomCar. Three months to go and we will finally witness Mr. and Mrs. Mott on the aisle! Ten-ten-nenen! Kakilig!