VLOG WATCH: Tom Rodriguez and Carla Abellana’s First Month Date as a Married Couple

Vlog Watch

MAHIGIT isang buwan na rin kasal ang newly-married couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Madami ang natuwa na nauwi rin sa kasalan ang dalawang artistang nagkakilala sa set ng iconic series na ‘My Husband’s Lover’ na eventually ay naging real lovers sa totoong buhay.

Bago ikinasal ang TomCar ay parehong naging busy sila sa lock-in tapings at showbiz commitments with the goal to finish all their work-related responsibilities and to be able to focus on their family life afterwards. Sa ngayon ay napapanood si Tom bilang Brian na nakakagigil ang kasamaan sa ‘The World Between US’, while this week ay magtatapos na ang ‘To Have and To Hold’ kung saan kakaiba ang role ni Carla as Erika na may unusual love triangle with Rocco Nacino and Max Collins.

Do you want to fill the love and kilig ngayong malamig ang simoy ng hangin? Tara na’t panoorin sina Tom at Carla at sabay-sabay tayong magsabi ng SANA ALL!!!