VLOG WATCH: Tom Rodriguez and Carla Abellana unboxes wedding gifts!

Vlog Watch

ANO ANG paboritong post-wedding activity ng mga newlyweds? Maliban sa lovey dovey sa honeymoon, highlight din ang pagbubukas ng mga regalo!

Usong-uso ngayon sa YouTube ang unboxing videos, pero mas espesyal ang handog nina Tom Rodriguez at Carla Abellana (a.k.a. Mr. and Mrs. Mott) na wedding gifts ang in-unbox sa kanilang bagong video upload.

With the help of angelic kids ay nabuksan na rin ng mag-asawa ang sandamakmak na blessings na natanggap nila mula sa mga taong nagmamahal sa kanila. With this video alone, makikita na natin na well-loved ang showbiz couple na ito.

 

Who would’ve thought na sa set ng My Husband’s Lover ay makikilala ng noo’y bagong Kapuso na si Tom Rodriguez ang kanyang ‘destiny’ na si Carla Abellana? He truly found the love of his life!

Kung trip niyo ang practical na unboxing video o simply love niyo ang TomCar, nood na!