VLOG WATCH: ‘To Have and To Hold’ lock-in taping vlog ni Max Collins!

Vlog Watch

GABI-GABI ay inaabangan namin ang complicated love triangle ng primetime drama show na ‘To Have and To Hold‘ ng GMA. Bida rito sina Carla Abellana, Rocco Nacino at ang napakagandang si Max Collins.

Ang maganda sa seryeng ito ay natapos na nila ito bago pa i-ere. ‘Yun na kasi ang ‘new normal’ pagdating sa pagshu-shoot ng teleserye at karamihan ngayon ay straight to the point na ang mga kuwento, kaya naman before you know it ay down to the last three weeks na lang pala ito!

Kakaiba rin ang karakter na ginampanan dito ni Max Collins, na nagkaroon ng affair sa ibang lalaki, pero ngayon ay pinaglalaban ang karapatan niya bilang legal wife. Ano kaya ang kahihinatnan ng kuwentong ito?

Kung mabigat ang THATH as a serye, very light naman ang close friendship na nabuo ng mga cast ng serye. Curious? Silip na!