VLOG WATCH: The Prankster Alex Gonzaga got pranked by ExorSIS Toni!

Vlog Watch

PALABAS NA ngayon sa mga sinehan ang laugh trip horror-comedy film na The ExorSIS na pinagbibidahan ng ever-lovable na sina Toni at Alex Gonzaga. From the romance-comedy ‘Mary, Marry Me’ noong 2018 ay mananakot plus magpapatawa naman ang mag-sizzums!

Sa mga tagasubaybay ng mga vlogs ni Alex, alam niyo na isa sa mga kinahiligan nitong gimik sa kanyang channel ay ang pagprank ng mga tao. Walang ligtas ang mga tao sa paligid niya – whether its her sister Toni, her closest friends at kahit ang kanyang mga magulang ay nasampolan ng kakulitan ni Mrs. Morada.

 

Well, it’s payback time! Sa mismong shoot ng pelikulang ExorSIS na ginawa noong nakaraang taon ay si Toni Gonzaga naman ang promotor ng pagpa-prank. Ang main target? Ang kanyang younger sissy Alex, na napaluha pa nang akalang mapaano na ang kanyang Ate. Panic mode ON!

Pero wait… bakit parang si Melai Cantiveros ‘ata ang mas naprank ng bongga?! Curious ka na? Nood na!

Previous articleKim Chiu mas pinatatag ng pinagdaanang pandemya
Next articleTop 5 KDramas of 2021 You Can Stream on IQ.com (iQiyi)