VLOG WATCH: The Power of Manifestation Routines and Tips by Michelle Madrigal

Vlog Watch

ILANG taon na rin nakabase sa Amerika ang dating aktres na si Michelle Madrigal. Ngayon na siya ay isang ganap na ina, nagwu-work from home ito at nagta-trabaho bilang isang online fitness coach.

Malaki na ang pinagbago ng buhay ni Michelle. Kung noon ay nababalot ng kontrobersiya ang kanyang showbiz life, ngayon ay mas kalmado na ito at mas may kontrol na siya sa kanyang buhay. May life goals ito na gustong tuparin hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya. How does she do it? Through the Power of Manifestation!

 

Ano nga ba ang Power of Manifestation? Ano ang importansya ng pagkakaroon ng vision board? Kung ikaw ay feeling ‘lost’ ngayong nasa bahay lang naman tayo dahil sa ECQ, baka makatulong ang video na ito sa iyong paggawa ng vision board at mapilitan ka na rin na magvisualize ng iyong dream life. Tara, sabay tayo!