VLOG WATCH: The Most Painful and Difficult Moment in Yeng Constantino’s Life

Vlog Watch

ISA SA mga public figures na fina-follow ng kabataan ngayon sa YouTube ay ang Pop Rock Princess na si Yeng Constantino. Dahil nakasanayan na ng mga fans na halos regular ang kanyang pag-upload, naramdaman nila ang absence nito sa vlogging.

Sa wakas ay bumalik na si Yeng Constantino with a vlog entitled ‘The Most Painful and Difficult Moment in my Life‘. Dito ay nag-open up ang talented singer/actress sa mga pinagdaanan niya in the past months.

Ang kanyang first revelation ay ang pagkakaroon nila ng asawang si Yan ng Covid-19. Nagdusa si Yeng at malaki ang naging epekto nito sa kanyang kalusugan at ang pinakamasakit ay pumanaw ang kanyang ina noong September 23 habang siya ay nagpapagaling sa Covid.

Sa kanyang bagong vlog ang nagshare si Yeng tungkol sa kanyang ina. Nagbalik-tanaw ito sa kanilang relasyon. Panoorin ang video na ito. Prepare your tissues!