VLOG WATCH: The Making of Artikulo 247 – Funny and Wild Kris Bernal strikes!

Vlog Watch

MAGTATAPOS NA ang afternoon drama series na ‘Artikulo 247‘ na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves, Mike Tan at s’yempre, si Kris Bernal. Ito ang nagsisilbing comeback project ni Kris matapos magdesisyong makipagsapalaran sa ibang istasyon nang hindi i-renew ng GMA ang kanyang managerial contract.

Dahil likas na magaling at top-rater ang kanyang mga naging proyekto sa Kapuso Network, hindi maikakaila na may solid fanbase na ito. Perfect ang Artikulo 247 bilang comeback project ni Kris sa kanyang home network dahil muli nito naipakita sa publiko na kering-keri niya ang bida-kontrabida role niya bilang Carmen/Klaire, a complex character that requires her to switch personalities. Napakahusay talaga!

Ngayon na nai-reveal na ang mga dapat mabunyag ay inilabas ni Kris ang isang special vlog na kuha habang naka-lock-in taping sila para sa Artikulo 247. Mamimiss niyo rin ba ang show na ito? We will surely do!

Previous articleON RELATIONSHIPS: ‘Flirting is already cheating!’ – Bea Alonzo
Next articleAndi Salvacion nagpasalamat sa kanyang PBB experience