VLOG WATCH: The Homey House Tour of Mr. Xian Lim!

ADVERTISING
Vlog Watch

XIAN LIM is one of the competent leading men in Philippine showbiz nowadays. Natapos na ang kanyang teleserye with Kim Chiu na ‘Love Thy Woman’, pero walang tigil pa rin ang pasok ng mga movie projects para sa kanya. Recently nga ay kakatapos lang nito ng kanyang lock-in taping para sa isang proyekto with Kylie Verzosa and Marco Gumabao at may ilan pa itong movie projects na naka-standby.

With that being said, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ni Xi sa kanyang fans and followers. Ang latest vlog post niya sa kanyang channel ay ang isa sa most requested: Ang House Tour!

ADVERTISING

Curious ang maraming tao kung ano nga ba ang hitsura ng bahay ng Chinito Prince. Silayan ang bahay ni Xian na 10 years na niyang tinitirahan with her loving mom and grandma. Lutang na lutang ang personality ng introverted actor dito sa kanyang bahay, na very homey and classy ang vibe.

Nakakaaliw ang details ng kanyang bahay, ‘diba? Pati ang kanyang sasakyan na pang-taping ay ipinasilip na rin niya. Ang shalabels! Sana next time ay ang room tour naman ang kanyang ipasilip para kahit sa vlog man lang ay mapasok natin ang kwarto niya! Ahihi sorry Kim pa-moment lang po! Ha-ha-ha!

ADVERTISING
ADVERTISING