VLOG WATCH: Ang nakakakilig na engagement video nina Tom Rodriguez and Carla Abellana

Vlog Watch

ANG Engagement confirmation ng Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na siguro ang isa sa pinaka-lowkey but very genuine proposals sa showbiz.

More than five months nang engaged ang TomCar, pero kamakailan lang nila kinumpirma sa publiko ang masayang balitang ito.

Nag-umpisa ang love story nina Tom at Carla nang magbida sila sa iconic serye ng GMA-7 na ‘My Husband’s Lover’. Kahit na sa ending ng palabas ay sa karakter ni Dennis Trillo nagkaroon ng happy ending si Tom, in real-life ay kay Carla niya naranasan ang masayang buhay. Nagkasama pa sila sa ilang teleserye at pelikula na madalas ay may proposal and wedding scene sila.

Mas bongga ang real-life proposal na may basbas ng kani-kanilang mga pamilya. Maganda na they were surrounded by the people who truly love them the most in contrast sa usual showbiz engagements na nakikita natin na ms marami pa ang miron kesa sa genuine guests. Ooops!

 

Anyway, sabay-sabay natin pakinggan ang kuwentong engagement ng TomCar at silipin na rin natin ang nakakainlab na eksenang sa true life lang talaga nagaganap. They’re destined talaga! Once again, congrats TomCar!