VLOG WATCH: Sweet Mother-Daughter Bonding nina Katrina Halili at Sofia Pablo (Prima Donnas)

Vlog Watch

PATOK NA PATOK pa rin sa GMA Afternoon Prime ang pagbabalik ng Primadonnas. Nag-lock-in taping ang lahat ng main cast and crew members ng programa. Unfortunately, hindi na naisama ang young actress na si Sofia Pablo sa current line-up dahil considered na minor pa ito. Under the new normal safety protocols sa TV show tapings ay hindi na muna allowed na magtrabaho ang mga menor de edad.

Ang ginawa na lang ng Prima Donnas writers ay pinalabas na nagpunta ng Australia ang bagets. Dahil miss na ni Katrina Halili a.k.a. Nanay Lilian ang kanyang bunso na si Sofia Pablo a.k.a. Donna Lynn , nagbonding ang onscreen mag-mamshie sa The Farm San Benito sa Batangas.

Dito ay makikita natin ang off-cam bonding moments ng dalawa. Halatang na-miss ni Katrina ang kanyang anak-anakan (hot momma indeed!) kaya naman sinulit ng dalawa ang kanilang staycation na may halong relaxation, lafang, tawanan at s’yempre, ang nauusong TikTok Dance Video recording!

Kung miss niyo na sina Lillian at Donna Lynn sa hapon, manood na kayo!