VLOG WATCH: Swab Test at Lock-In Taping Experience ni Yasmien Kurdi

ADVERTISING
Vlog Watch

HULING napanood ang Kapuso drama actress na si Yasmien Kurdi sa action-drama series na Beautiful Justice kasama sina Gabbi Garcia at Bea Binene. Since then, hindi na ito nakapagtaping pa kahit para sa isang guesting man lang.

Nagbalik na sa pagtitaping si Yasmien last month para sa katatapos lang na special primetime drama anthology series ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Parte si Yasmien ng second week story na may pamagat na ‘The Promise‘, kung saan nakatambal niya si Paolo Contis at nakatrabaho sina Andrea Torres, Benjamin Alves at Maey Bautista.

ADVERTISING

Under ‘the new normal’, required lahat ng cast, staff and crew na mag-undergo muna ng swab test para matsek kung ito ay fit to work. Kung ‘negative’ ang result, diretso na ang lahat ng involved sa show sa lock-in taping. Since ito ay week-long episode lang ay limang araw lamang na-lock-in si Yasmien.

Dahil pamilyadong tao na, malaking adjustment para kay Yasmien ang mawalay sa kanyang pamilya para magtrabaho. Pero s’yempre, malaking opportunity din ang pagbabalik sa trabaho lalo na’t nakasalalay din dito ang sahod ng ibang involved sa proyekto. Sa Mountain Lake Resort nagtaping ang ‘The Promise’ at in fairness, marami ang kinilig kina Yasmien at Paolo!

ADVERTISING

Panoorin ang lock-in taping experience ni Yasmien at makikita na ngayo’y sila-sila na rin mismo ang nagdadala ng kani-kanilang gamit at required na maging independent na ang mga cast and crew.

ADVERTISING