VLOG WATCH: Super Tekla, ‘nanigas’ dahil kay Yaya Maui Taylor (may natalsikan pa!)

Vlog Watch

PAANO kung isang araw ay magising ka na lang na ang taong pinapantasya mo noong ikaw ay nagbibinata ay maging yaya mo for a day?

‘Yan ang totoong eksenang bumungad nang magising ang Kapuso comedian na si Super Tekla sa kanyang kuwarto isang araw. Sino ba ang nasa kuwarto niya? Ito ay walang iba kundi ang original ‘Hot Babe ng Bayan’ na si Maui Taylor!

Thanks to ka-tandem Donita Nose, natupad ang pantasya ni Super Tekla na mapagsilbihan ito ni Maui Taylor sa kanilang Yaya for a Day challenge. Yes, naging Yaya Mau ni Super Tekla si Maui! Hindi napigilan ni Super Tekla na ‘manigas’ sa pagbungad ng kanyang iniidolong sexy actress. Dreams do come true nga raw! Hek-hek-hek!

Sa nakakatawang challenge na ito ay talagang kinarir ni Maui Taylor ang pagiging Yaya. Pinaliguan niya ang kanyang alaga (as in sinabunan nakakaloka!), tinooth brush at gargle (kalerks!) at binihisan din ito. Nakakaloka talaga!

 

Panoorin ang Yaya for a Day challenge na ito na talaga naman nakakabaliw! Nagluto pa ito at naghain para sa kanyang alaga. May talsikan pang naganap! Patalsik pa more! Lerkie talaga!