VLOG WATCH: Sophie Albert balik-alindog post-pregnancy workout routine with Vin Abrenica!

Vlog Watch

KINAKARIR na ng Kapuso actress na si Sophie Albert ang kanyang ‘balik-alindog’ program.

Ngayon na nakapag-adjust na ito sa kanyang bagong papel bilang new mommy sa kanilang baby na si Avianna, oras na para muling mag-concentrate ang aktres sa kanyang fitness goals. Hindi na ito mahihirapang makahanap ng motivation dahil mismo ang kanyang partner na si Vin Abrenica ang personal fitness trainer nito!

Sa kanilang latest vlog ipinakita ng magdyowa ang kanilang present workout routine at kung ano na ang mga changes na napansin nila sa katawan ni Sophie dahil na rin sa kanilang commitment and dedication sa pagkakaroon ng active lifestyle.

 

Kung ikaw ay isang momshie na naghahanap ng motivation para aksyunan na ang fitness goals, you better watch this video dahil kahit kami ay naenganyong mag-ehersisyo! Sana lang ay may personal fitness trainer din kami na strikto pero yummy! Ha-ha-ha!

Previous article‘My Amanda’ nina Piolo Pascal at Alessandra de Rossi mapapanood na sa Netflix ngayong July 15
Next articleThings You Didn’t Know About Jameson Blake