VLOG WATCH: Sisters Angelika and Mika Dela Cruz sings ‘Nandito Ako’

ADVERTISING
Vlog Watch

SA MGA HINDI nakakaalam, magkapatid ang Kapuso stars na sina Angelika at Mika dela Cruz. Maliban sa kanilang ganda at galing sa pag-arte, hindi rin maikakaila ang ganda ng kani-kanilang boses.

Sa mga sobrang bata pa para maalala, suki ng mga variety shows noon sa ABS-CBN at GMA si Angelika dela Cruz. During her prime, hindi lang siya basta isa sa mga reigning teleserye queens noon: hindi rin ito nagpapatalo pagdating sa kantahan at sayawan!

ADVERTISING

Si Mika naman ay nabigyan din noon ng chance na ipakita ang kanyang singing skills noong child star ito sa ABS-CBN. Sa mga masyadong bata o hindi ito napapanood noon, siguradong wala silang ideya na nakuha din niya ang singing voice ng kanyang Ate Shine (palayaw ni Angelika).

Kaya naman ganoon na lang ang tuwa namin nang mag-upload si Kapitana Angelika sa kanyang YouTube channel ng song cover nila magkapatid ng sikat na OPM song ni Lea Salonga na ‘Nandito Ako’ na kung hindi kami nagkakamali, ay ginawa nila para sa virtual guesting nila para sa ‘Mars Pa More’ ng GMA News TV.

ADVERTISING

Napakaganda ng blending ng boses ng powerful sisters na ito! Don’t believe us? Panoorin at mamangha sa kakaibang charm nina Angelika at Mika! Talagang mafi-feel mo ang holiday vibes!

ADVERTISING