VLOG WATCH: Shaira Diaz and EA Guzman’s Boracay Anniversary Trip (napakatamis!!!)

Vlog Watch

ISA SA MGA low-key at steady na couples sa magulong mundo ng showbiz ngayon ay ang Kapuso actors na sina EA De Guzman at Shaira Diaz. Una silang nagkakilala more than seven years ago sa isang programa sa TV5. Ngayon, pareho na silang visible talents ng GMA.

Nakakaaliw lang dahil kahit hindi sila onscreen loveteam ay open na sila sa publiko tungkol sa kanilang romantic relationship. Kunsabagay, kung magagaling kayong artista na may good work ethics, malamang ay hindi mo na kailangang mag-rely sa fanbase ng isang loveteam, ‘diba?

For their anniversary ay tumungo sina Shaira at EA sa Boracay Island. Deserve nila ang anniversary trip na ito to relax and stay in love, huh! Pasintabi po sa mga single d’yan! Kung gusto niyo ng real-life sweetness, watch niyo na ‘to! Sana ay sabay-sabay natin mahanap ang ‘the one’ natin. TAMIS!