VLOG WATCH: Sarap! Bela Padilla and boyfriend Norman Bay Make Gnocchi Together

Vlog Watch

ALAM ng fans ni Bela Padilla na utimate crush niya ang former One Direction member turned solo superstar na si Harry Styles. Hindi man niya naging dyowa in real-life ang kanyang idol, tila nakasungkit na rin ng sarili niyang Harry Styles si Bela sa katauhan ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Kasalukuyang nasa Switzerland ngayon si Bela with her boyfriend, pero bago ito lumipad patungo sa kontinente kung nasaan ang kanyang minamahal ay nagkaroon muna ng cooking tutorial via videocall ang dalawa. Together ay gumawa sila ng Gnocchi, na namana pa niya sa kanyang lolo ang recipe. Ito ang unang episode ng kanilang ‘Taste From Home’ series.

 

Ngayon na tayo ay nasa loob ng bahay lang, kung may sapat na patatas kayo ay maari ninyong gayahin ang Gnocchi recipe ng magdyowa. Malay niyo, baka kapag ma-master niyo ito ay suwertehin din kayo sa love life! Ahihi!