VLOG WATCH: Sandara Park, pinagkaguluhan sa Pinoy Market sa Korea

ADVERTISING
Vlog Watch

MAHILIG ka man sa K-Pop o hindi, siguradong kilala mo si Sandara Park. Sa mga K-Pop fans, kilala nila ito bilang DARA ng 2NE1. Ang iba ay kilala siya bilang credible endorser, model at occassional actress. Huli itong lumabas sa KDrama na ‘Dinner Date’.

Para sa mga true Kapamilya na lumaking nanonood ng Star Circle Quest o ECQ, si Sandara Park ang ‘Pambansang Krung-Krung’ ng Pilipinas. Bago pa nainlab ang mga tao kina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Maine Mendoza at Liza Soberano, ang mga tao ay unang nainlove sa charm ng Koreanang Pusong Pinoy na si Sandara Park.

ADVERTISING

Umalis si Sandara Park sa Pilipinas nang magsimulang lumamlam ang kanyang showbiz career sa bansa. Buti na lang at nakapasok siya bilang trainee sa YG Entertainment at kavogue naman ang kanyang ultimate comeback dahil sinuportahan ng maraming fans worldwide ang grupo nilang 2NE1. Before you know it, rumarampa na sa mga sosyaling events sa Hollywood si Sandara.

Kahit na matagal nang nabuwag ang grupo niyang 2NE1, aktibo pa rin sa showbiz sa Korea si Dara. Nagiging aktibo na rin ito sa kanyang DARA TV sa YouTube na nakakaaliw
dahil paminsan-minsan ay may Philippine-related content pa rin ito.

Sa kanyang bagong video upload ay dumalaw ito sa isang Pinoy Market sa Seoul at ipinakita niya sa kanyang katrabaho ang iba’t ibang Pinoy products na paborito niya. S’yempre, nakilala siya kaagad ng mga Pinoy na nagtitinda at kumakain doon. Very hospitable sila kay Sandara. Hindi nga lang masyado nakakain ang K-Pop superstar sa dami ng mga taong nagpapapiktur sa kanya. Imbes na mainis ay in-entertain ito ni Dara. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahal na mahal ng mga Pinoy si Sandara Park.

ADVERTISING

Panoorin ang side trip ni Sandara sa isang Pinoy Food Market! Kailan kaya ito magbibida ulit sa isang KDrama o KMovie? Or why not a Philippine movie comeback? O solo album? Hello, YG Entertainment!

ADVERTISING