VLOG WATCH: Sakay na! Ivana Alawi’s bonggang Van Tour (shalabels!)

Vlog Watch

IVANA ALAWI is a star in her own right. She is the reigning Pinay Queen of YouTube (with 13 Million+ subscribers – and still growing!). Hindi lang kasi basta maganda at sexy ang dalaga – isa siyang mapagmahal, kalog at entertaining na tao kaya naman hindi mapigilan ng mga viewers na mahalin siya ng husto.

Bago nagkaroon ng pandemic ay maraming showbiz projects ang nakalinya para kay Ivana. Bida dapat siya sa sexy series na Ligaya (na naging La Vida Lena at si Erich Gonzales ang pumalit sa kanya) at may mga pelikula na rin itong naka-lineup dapat under Star Cinema. Understandable na ayaw ni Ivana sa ngayon na mag-lock-in taping para na rin sa safety ng kanyang pamilya, na may senior citizen at vulnerable person.

So, ano ang nangyari sa pinagawang van ni Ivana na dapat sana’y magiging second home niya sa mga tapings? Nagagamit pa rin naman siya, pero for endorsements and other showbiz commitments na hindi required tumagal sa iisang lugar. Curious ka ba? Silipin na natin ang bongga at shalabels na Van ni IVANA!