VLOG WATCH: Ryan Bang prank calls Pokwang, Jerome Ponce and Sue Ramirez!

Vlog Watch

PALABAS NA ang Mother’s Day offering ng Regal Films na ‘Mommy Issues’ simula pa noong May 7. Ito ay pinagbibidahan nina Pokwang at Sue Ramirez kasama sina Ms. Gloria Diaz, Jerome Ponce at Ryan Bang.

Napanood na namin ang pelikula at tunay na light, fun and heartwarming ito! Dahil likas na nakakatuwa ang It’s Showtime host na si Ryan Bang, naisipan nito na i-prank call ang mga co-stars niya sa Mommy Issues.

Sino kaya ang magpapautang kay Ryan Bang, na kunwari ay nangangailangan ng 50 to 100K? Ang friend pero hindi masyadong ka-close na si Jerome Ponce, ang mommy-turned-ka-loveteam niya sa pelikula na si Pokwang, o ang kanyang bestfriend na si Sue Ramirez?

 

Dahil sa vlog na ito, nadiskubre namin na may mga artistang madaling magpahiram ng pera lalo na kung kakilala nila ang uutang. Na-realize din namin na madali palang tumiklop si Mr. Bang! Buking na buking agad!