VLOG WATCH: Rocco Nacino’s Locked-In Taping Room Tour for ‘To Have and To Hold’ (may gym sa kuwarto?!)

Vlog Watch

UMAARIBA ang Kapuso network sa pagprodyus ng mga programang kakikiligan, katatawanan at kaiiyakan ng mga manonood. Napansin namin na mabilis na ngayon ang pag-usad ng mga teleserye na at most ay may three cycles of locked-in taping lang. Mukhang sa wakas ay in-adapt na rin sa Pilipinas ang proseso ng KDrama na kahit na karamihan ay maximum 16 episodes lang ay talagang may satisfaction ang mga viewers sa dulo.

Si Rocco Nacino ang isa sa mga Kapuso leading men na nakaranas ng locked-in taping para sa upcoming romance-drama series na ‘To Have and To Hold’. Makakasama niya rito ang kanyang Pamilya Roces partner na si Carla Abellana at ang isa pang Kapuso beauty na si Max Collins.

Ang maganda sa locked-in taping ay naka-concentrate ang mga artista, staff and crew sa proyekto na kanilang tinatrabaho. Walang distractions at in a way ay nagiging ‘pahinga’ na rin nila ito from the outside world.

 

Sa Bataan ang locked-in shoot ng ‘To Have and To Hold’ kung saan ang karakter na ginagampanan ni Rocco ay chef sa isang resort. Swak na swak, ‘diba? Pero teka… Bakit parang nakapag-install ‘ata ng sariling gym sa kanyang lungga si Rocco?! NAKAKALOKA! Ayaw talagang bumitiw sa fitness goals niya, ha? Panoorin ang set-up ni Rocco sa kanyang taping room at sa totoo lang, parang bet namin magbakasyon sa resort na ito, huh! Beke nemen…

Previous articlePERFECT COMEBACK: Julia Montes, pinupush ng fans na ipalit kay Bea Alonzo sa ‘Kahit Minsan Lang’
Next article‘Marry Me, Marry You’ nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, ipinasilip na!