VLOG WATCH: Rhian Ramos’ Minimalist Master Bedroom Tour + Makeover!

Vlog Watch

IT’S BEEN a while since Rhian Ramos updated her vlog channel. Matagal-tagal na rin natapos ang kanyang huling teleserye sa GMA na ‘Love of my Life’ at balita namin ay kumirmado na rin ang upcoming TV project niya with her home network.

Habang naghihintay tayo ng bagong showbiz ganap ni Rhian, ang paglipat sa bagong apartment ang inatupag ng aktres. Sa kanyang latest vlog update ay isang minimalist bedroom makeover ang ipinasilip ng dalaga sa kanyang mga subscribers.

 

Sa tulong ng dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson ay na-achieve ni Rhian ang kanyang minimalist bedroom goals. Ngayong pandemya, karamihan sa atin ay nananatili sa ating mga tahanan. Dito na tayo nagtatrabaho at nagpapahinga kaya nararapat lang na bigyan natin ang ating personal space sa bahay ng pansin.

Kung naghahanap kayo ng inspirasyon para sa minimalist but classy bedroom goals ninyo, panoorin na ang latest vlog ni Riri!