VLOG WATCH: Reunion nina Luis Manzano, Nikki Gil at Iya Villania (OG MYX Barkada)

Vlog Watch

“‘Pag kilala mo kami, kailangan mo nang mag-asawa!”

‘Yan mismo ang litanya ng ex-VJ/actress na si Nikki Gil-Albert sa nakakatuwang video ni Luis Manzano. On a rare occassion ay nagsama-sama ang ilan sa mga minahal natin na original o ‘OG’ MYX VJs na sina Luis Manzano, Nikki Gil-Albert at Iya Villania-Arellano at kasa-kasama nila ang kani-kanilang asawa!

Yes, lahat sila ay happily married na at iba-iba na rin ang kanilang priority sa buhay. Nasa Kapamilya Network pa rin si Luis Manzano at ngayo’y ine-enjoy ang first year ng married life nila ni Jessy Mendiola. Si Nikki Gil-Albert at ang asawa nitong non-showbiz na si BJ ay focused sa kanilang mga anak habang si Iya Villania-Arellano naman ay bumalik sa Kapuso Network at kahit buntis sa kanilang ika-apat na anak ay very visible pa rin ito sa kanyang mga TV shows just like her Biyaherong hubby na si Drew.

 

Kasali rin sa reunion na ito ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao, na naging close friend din nila.

Myx… Your Choice, Your Music. NakakaMYX!