VLOG WATCH: Questions Julia Barretto never asked her father Dennis Padilla

Vlog Watch

ALL IS WELL sa pagitan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto.

Ito ang aming na-pick up sa latest vlog ng magandang aktres sa kanyang Just Julia channel sa YouTube. Hindi naman sikreto sa lahat na tulad ng normal father-daughter relationships, may mga pinagdaanang unos ang dalawa na naging hudyat ng hindi nila pag-uusap sa loob ng ilang taon. Gayunpaman, hindi huli ang lahat.

Paunti-unting inaayos ni Dennis ang kanyang relasyon sa kanyang anak at thankfully ay mas nagiging open na sila sa kanilang nararamdaman.

 

This long Q & A video is a must watch lalo na kung ikaw ay curious sa estado ng relasyon ng mag-ama. How was Julia Barretto as child noong kasama pa niya lagi si Dennis? Ano nga ba ang nangyari sa pagitan nina Dennis at Marjorie kaya sila naghiwalay ng landas? Magaling na ba si Dennis sa Covid-19? Ano ang recent realizations niya sa buhay? Paano niya inaayos ang relasyon nila ng kanyang mga anak? 

Surely, may mga netizens na makakarelate sa dalawa. Next month pa ang Father’s Day, but watchi this!