VLOG WATCH: Princess Velasco sings ‘Only Hope’ by Mandy Moore

ADVERTISING
Vlog Watch

NAAALALA niyo ba ang Acoustic Princess ng Pilipinas na si Princess Velasco? Aktibo na muli sa pagkanta ang ngayo’y pretty preggy mommy na nakilala noong 2010 sa kanyang acoustic renditions ng mga kantang ‘Single Ladies’ ni Beyonce, ‘Crush’ ni David Archuleta, ‘Thinking of You’ ni Katy Perry at marami pang iba. Sumikat ito noong kasagsagan ng pagsikat ng mga female acoustic singers tulad nina Juris, Sitti and more.

Early this year ay nagkaroon ito ng comeback sa music scene sa pamamagitan ng GMA Records. Inawit nito ang bagong bersyon ng Southborder hit na ‘Ikaw Nga’ na mahal na mahal ng mga fans ng fantaseryeng Mulawin.

ADVERTISING

Unstoppable ngayon si Princess kahit na siya’y preggy at working from home. Maliban sa pag-asikaso ng kanyang mga anak at asawa, nakakaaliw at pampakalma ang mga love song covers niya. Ang latest ay ang iconic song ni Mandy Moore na ‘Only Hope‘ mula sa tearjerker film na ‘A Walk to Remember‘. Pakinggan niyo, dali!

Ganda ng boses, ‘di ba? Pakinggan niyo na rin ang cover niya You’re Still The One (Shania Twain), Ever After (Bonnie Bailey), Kailan (MYMP), Ngiti (Ronnie Liang) at marami pang iba! Mix of international and OPM hits ang kinocover ng talented Acoustic Princess. Kanya pa rin talaga ang titulong ‘yan, huh!

ADVERTISING
ADVERTISING