VLOG WATCH: Pasilip sa Day-Off ni AJ Raval sa lock-in taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Vlog Watch

SI AJ RAVAL ang latest sexy actress na pumasok sa longest-running teleserye ng Pilipinas na FPJ’s Ang Probinsyano. Yes, ayaw pa rin talaga bumitaw ni Cardo!

Ang hindi pagbitaw ni Cardo means na marami-rami pa tayong karakter na makikita sa programa. Hindi nga lang tayo sigurado kung gaano katagal mapapanood ang mga karakter nila hek-hek!

Ang anak ng 90’s action king na si Jeric Raval na si AJ ang bagong babaeng manunukso sa programa. Sa kanyang bagong vlog ay ipinasilip ng newbie actress kung ano ang ginagawa niya tuwing day-off nila sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

In fairness sa batang ‘to, kalog at napakasimple lang ha. Ang sarap at ang laki pa sumubo ng pagkain! Kung interesado kayo na makilala pa lalo ang prinsesa ni idol Jeric, manood na kayo! Saluhan na ang dalaga sa paggising, pagsubo (ng pagkain), pagkape, pagsisid (sa pool), paghahanda sa banyo at kung anu-ano pa!