VLOG WATCH: Pasilip sa ‘Bawal Lumabas: The Series’ ni Kim Chiu!

Vlog Watch

BAWAL LUMABAS ang mga loyal fans ni Kim Chiu! Why? Dahil palabas na finally si IWantTFC ang Bawal Lumabas: The Series!

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-viral noong May ang Chinita Princess na si Kim Chiu dahil sa kanyang pagtanggol sa prankisa ng ABS-CBN. May mga netizens na pinagtripan ang ‘Bawal Lumabas’ statement ni Kim Chiu na nagawan pa ng viral trap song.

Imbes na umiyak at magtago, hinarap ni Kim ang mga bashers niya at viola – naging hit song ang ‘Bawal Lumabas’, nagkaroon ng merch line at ngayon nga ay may digital series pa ito! Ang bongga, ‘diba?!

Si Kim Chiu na ‘yata ang pinaka-blessed na artista sa Kapamilya Network sa true lang! Maliban sa kanyang digital series, nagkaroon din ito ng pelikula, afternoon drama series, new song, hosting stints at active na active rin ito sa kanyang YouTube channel na talagang kinaaaliwan ng kanyang fans.

In true Kim Chiu fashion, pinasilip ng aktres ang Behind-the-Scenes para sa ‘Bawal Lumabas: The Series’ na nagkaroon din ng lock-in taping. Tara na’t silipin bago manood ng Bawal Lumabas: The Series!