VLOG WATCH: Pasilip ni Yam Concepcion sa set ng ‘Init sa Magdamag’

Vlog Watch

MATAGUMPAY ang unang sabak ni Yam Concepcion bilang bida sa newest sexy-drama series ng Kapamilya na ‘Init sa Magdamag‘ With two gorgeous men Gerald Anderson and JM de Guzman as her leading men, masasabi natin na talagang naabot na ni Yam Concepcion ang highest status bilang isang teleserye lead actress. Bongga!

Dahil sa mga maiinit na tagpo, siguradong curious din kayong masilip ang BTS o ‘Behind The Scenes’ ng serye, na last year pa inumpisahan ang lock-in taping. Kahit na puno ng tensyon ang kwento ng Init sa Magdamag ay ‘cool na cool’ naman ang mga artista na kasama rito.

Sa mga past vlogs pa nga nina Gerald at Yam ay kitang-kita ang off-cam bonding nilang lahat. In short, mukhang maganda ang working atmosphere sa set kahit pa obvious na napakainit!

Curious ka na ba? Tara na’t silipin natin sina Rita, Tupe at Peter sa naglalagablab na trending serye na ito!

Previous articleKaye Abad gustung-gusto nang bumalik sa pag-arte
Next articleBimby Aquino sinagot ang isyung bading siya: ‘I’m straight as an arrow’