VLOG WATCH: Pasilip ni Yam Concepcion sa Lockdown Taping ng ‘Love Thy Woman’

ADVERTISING
Vlog Watch

MAGTATAPOS NA ngayong Biyernes ang afternoon drama series ng Kapamilya Network na ‘Love Thy Woman‘. Ito ang teleseryeng pinag-uusapan ng buong bayan
dahil sa mga intense confrontation scenes ng mga bida with the award-winning veteran actors ng bansa tulad nina Christopher de Leon, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez at Ms. Eula Valdez sa talented bida trio nito na sina Kim Chiu, Xian Lim at Yam Concepcion. Ito rin ang isa sa mga programang nakaranas ng strict lockdown taping.

Kung last month ay si Kim Chiu ang nagpasilip ng mga ganap habang naka-lockdown sa isang hotel ang mga cast, staff and crew ng Love Thy Woman, it’s Yam Concepcion‘s turn this time!

ADVERTISING

You may love to hate her sa kanyang role bilang Dana na scorned wife turned monster ayon sa mga televiewers, hindi naman maipagkakaila na ito ay very opposite behind the camera. Sa katunayan, nakabuo ang dalaga ng long-lasting bonding and friendship sa kanyang mga co-stars. Kung sakaling kayo ay curious, panoorin ang behind-the-scenes sa mga huling araw ni Yam Concepcion bilang Dana Wong sa Love Thy Woman.

Good news naman sa fans ni Yam! Pagkatapos ng matagumpay na ‘Love Thy Woman’ ay may follow-up project kaagad si Yam. Balita rin namin na may inilulutong movie project para sa kanya ang Viva Films. Ano kaya ito? Abangan!

ADVERTISING
ADVERTISING