VLOG WATCH: Pasilip ni Kris Bernal sa ‘Ate ng Ate Ko’ ng TV5 (sino ang trip niyang jowain?!)

Vlog Watch

MUKHANG tuloy-tuloy na ang pag-ariba ng showbiz career ng dating Kapuso star na si Kris Bernal sa TV5.

In case you didn’t know, bida si Kris Bernal a weekly drama series ng TV5 na ‘Ate ng Ate Ko’ kasama ang mga Kapamilya leading men na sina Jake Cuenca at Joem Bascon with Isabelle de Leon playing the role of her younger sister.

Nagkatrabaho na noon sa isang pelikula sina Kris at Jake, pero ito ang first time nila na magsama sa isang TV project. Ito naman ang first time niya na makatrabaho sina Joem Bascon at Isabelle de Leon.

Sa bagong vlog ni Kris ay ipinasilip niya ang initial bonding nila ng kanyang co-stars by asking her co-stars to do the ‘Ate ng Ate Ko’ Acting Challenge at nakipag-totropahin o jojowain challenge pa ito with her little sissy sa show! Talagang ume-effort si Kris to promote her new show, huh!

Pero teka… sino ang young actor na bet jowain ni Kris?!

Napapanood niyo ba sa TV5 ang ‘Ate ng Ate Ko’? Ano ang masesey ninyo?