VLOG WATCH: Pasilip ni Carla Abellana sa pagbabalik ng ‘Love of my Life’

NALALAPIT NA ang pagbabalik sa ere ng primetime drama series ng GMA-7 na ‘Love of my Life’. Ito ay pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Mikael Daez at Carla Abellana.

Ngayon na karamihan ng mga teleserye ay nagla-lock-in taping for safety and health reasons, pinasilip ng bidang si Carla Abellana ang mga pinagdaanan ng kanilang cast and crew sa first wave ng kanilang pagtatrabaho.

Ilang Linggo rin nanatili sa iisang resort/hotel ang grupong LOML na kung anu-ano na ang naranasan ni Carla – from ordering overpriced hotel food to buying chicha for the cast and crew, ang pagbayad ng Php 9,000 (!) for a spilled coffee sa hotel blanket at ang surprise appearance ni Tom Rodriguez, na kinailangang bumalik sa set ng LOML to shoot a flashback scene.

Kung inyong matatandaan, kasama si Tom sa first few weeks ng programa. Namatay na ang kanyang karakter kaya sina Carla, Rhian at Mikael na ang main leads. Of course, not to forget Ms. Coney Reyes!

Panoorin natin ang two-part special ng isa sa premyadong Kapuso actress!