VLOG WATCH: ‘Parang Kayo Pero Hindi’ BTS sa Alaminos at Bolinao with Xian Lim!

Vlog Watch

NAGHAHANAP ka ba ng bagong Valentine movie para sa darating na weekend? Napanood mo na ba lahat ng possible Pinoy romantic films na accessible para sa’yo? May good news kami sa’yo!

Ipapalabas na sa wakas ang pelikulang ‘Parang Kayo Pero Hindi‘, na base sa best-selling book ni Noreen Capili a.k.a. Noringai. Mapapanood na ito sa Vivamax sa darating na Friday, February 12. Bida rito ang VAA top stars na sina Kylie Verzosa, Marco Gumabao at s’yempre, si Xian Lim!

Sa Alaminos at Bolinao, Pangasinan kinunan ang mga eksena para sa Valentine presentation ng Viva. Maliban sa istorya, magagandang mukha at katawan ng mga bida at pakilig, bentahe na rin dito ang mga tourist spots ng Alaminos at Bolinao lalo na ngayon na sabik ang mga tao na makapaglakwatsa.

Buti na lang at masipag si Xian Lim sa pagdocument ng kanyang almost 2-weeks taping para sa ‘Parang Kayo Pero Hindi’. Ano nga ba ang new normal sa out-of-town movie shoots? Ano usually ang ginagawa ng aktor habang hinihintay na siya ang kukunan ng eksena? Tara na’t maki-‘workation’ with the Chinito hottie!

Previous articleJane de Leon dream come true na mapasama sa ‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin
Next articleChad Kinis, may mensahe sa mga taong judgmental na hinusgahan ang poster ng ‘Tililing’