VLOG WATCH: Palawan Family Adventure nina Solenn Heussaff at Anne Curtis!

Vlog Watch

FROM being two of the sexiest celebrities in the Philippines, nag-transition na into hot mommas ang friends turned sis-in-laws na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis. Pansamantalang mommy mode ang dalawa kaya naka-backseat muna ang kanilang showbiz careers, pero dahil love natin sila, we are happy whenever they upload new content!

On Solenn latest vlog ay ipinasilip niya ang kanilang family trip sa Palawan (Sunlight Island Resort in Culion) kung saan sila nanatili ng ilang araw para mag-attend ng isang kasal and at the same time ay makapag-free diving, island hopping and makapagrelax na rin.

Sa totoo lang, refreshing na makita sina Solenn at Anne in mommy mode. Idagdag pa na nasa isla sila at kitang-kita pa rin ang kanilang sexy bodies!

 

Sa video na ito ay napansin namin na tila Mini Solenn si Tali at Mini Anne naman si Dahlia. Kaaliw!

Habang hinihintay natin ang official showbiz comeback ng dalawa sa kani-kanilang networks ay manood muna tayo ng vlog ng ating birthday girl! Happy Birthday, Solenn!