VLOG WATCH: Pa-Room Tour ni Rhian Ramos sa Lock-In Taping ng ‘Love of my Life’

Vlog Watch

SIMULA bukas, fresh episodes na ang mapapanood sa primetime drama series ng GMA-7 na ‘Love of my Life‘. Bida sa programa sina Carla Abellana, Mikael Daez at Rhian Ramos.

Kung last month ay si Carla Abellana ang aktibo sa pagpost ng behind-the-scenes ng kanilang lock-in taping, this time ay si Rhian Ramos naman ang magpapakitang-gilas!

Matagal-tagal na rin namimiss ng kanyang followers si Rhian kaya naman highly anticipated ang video na ito. Ano nga ba ang mga bitbit ng dalaga sa kanyang month-long taping? What are the essentials, baon na pagkain, clothes for her character bilang Kelly at saan niya ito binibili? Ano usually ang ginagawa niya during their day-offs? Lahat ‘yan ay malalaman niyo sa latest vlog ni Rhian!

Excited na kami sa pagbabalik ng ‘Love of my Life’. Sa mga gustong mag-catch up, nag-upload na ng past full episodes ang GMA sa kanilang official YouTube account. Nood na!