VLOG WATCH: Pa-BTS ng ‘Hoy, Love You’ Season 2 ni Roxanne Guinoo!

Vlog Watch

FAN KA BA ng Star Circle Quest graduate na si Roxanne Guinoo? Kinilig ka ba sa tambalan nila noon ni Joross Gamboa o JoRox?

Kung gusto mo muli maramdaman ang kilig kapiling ang JoRox, may good news kami sa inyo!

Ipinalabas a few months ago ang unang season ng ‘Hoy, Love You!‘ sa iWant TFC at kamakailan ay napapanood na rin sa free TV. Ang good news ay extended ang kilig dahil nilabas na rin ang Season 2 ng programa!

Yes, you heard it right! Bihira ma-extend ang mga online digital series kaya naman ang ibig sabihin ay may demand mula sa JoRox fans na muling masilayan ang kanilang favorite loveteam, na kahit hindi nagkatuluyan in real life ay kaya pa rin magpakilig ng mga kapamilya. Love it!

Narito ang pasilip ni Roxanne Guinoo o ‘Tita Mom’ sa taping ng ‘Hoy, Love You’ with room tour and some behind-the-scenes clips. Watch na!