VLOG WATCH: Pa-ayudang ‘Nagbabagang Luha’ BTS ni Glaiza de Castro!

Vlog Watch

HINDI man siya nakasuot ng kanyang Pirena costume, mainit at naglalagablab pa rin ang pinagbidahang afternoon teleserye ni Glaiza de Castro na ‘Nagbabagang Luha‘ na nagtapos ngayong Sabado.

Hindi maikakaila na tinanggap ng maraming tao ang teleserye na tunay na nagpakulo sa mga dugo nila. Sino ba naman ang hindi maiinis sa pagiging spoiled brat ni Cielo (Claire Castro) na ikina-miserable ng kanyang napakabait na Ate Maita (Glaiza de Castro) at ni Alex (Rayver Cruz)? Trending ang mga bardagulan scenes nito na tumatak talaga sa mga Kapuso viewers.

 

Matagal nang natapos ang lock-in shoot ng programa at kasalukuyang nagliliwaliw sa Europa at UK si Glaiza. Bilang pa-ayuda sa mga nagbaga ang dugo sa ‘Nagbabagang Luha’, nag-share na rin ito finally ng behind-the-scenes vlog! Watch it!