VLOG WATCH: Original Viva Hot Babes, umindak sa Bulaklak, Kikay at Basketball!

ADVERTISING
Vlog Watch

NAAALALA niyo ba ang grupong ‘Viva Hot Babes‘? Ito ang grupong inilunsad ng Viva Films noong kasagsagan ng paggawa ng sexy films noong early 2000’s. Ito ay pinangunahan ng pioneer members na sina Maui Taylor, Katya Santos at Andrea del Rosario. Ang ibang ‘hot babes’ na kalauna’y nagningning din sa pelikula, TV at pagmomodelo ay sina Gwen Garci, Sheree, Jaycee Parker, Myles Hernandez, Hazel Cabrera, Asia Agcaoioli, Zara Lopez at marami pang iba.

Ngayon na lahat sila ay mga certified ‘MILF’ o hot mommas na, pinatunayan pa rin nila na hindi nawawala ang ningning at init ng kanilang bituin!

ADVERTISING

In a surprise collaboration vlog channel, muling kinanta at inawit ng Viva Hot Babes ang mga novelty hits nila tulad ng Bulaklak, Kikay at Basketball. Kahit na sexy and daring ang image ng Viva Hot Babes noon, na-penetrate pa rin nila ang masa sa pamamagitan ng kanilang happy songs na kahit mga bata ay kinakanta ito.

Nakakaaliw tingnan kung anu-ano na ang buhay ng mga miyembro noon ng Viva Hot Babes. Ang ilan sa kanila ay nanatili sa showbiz at lumalabas-labas pa rin sa pelikula at telebisyon. Mostly doing sexy mother roles. Ang iba ay nasa politika na habang ang iba naman ay mas pinili na ang normal na buhay na malayo sa showbiz. Literal na ang iba ay sa abroad na nag-asawa at nagkapamilya.

ADVERTISING

Ang ilang Viva Hot Babes na wala sa video ay sina Jen Rosendahl, Kristine Jaca at Jennifer Lee.

Sino sa Viva Hot Babes ang pinagpantasyahan ninyo noon?

 

ADVERTISING