VLOG WATCH: Niña Niño BTS Vlog with Maja Salvador!

Vlog Watch

JUST IN CASE hindi kayo masyadong updated sa showbizlandia, may bagong teleserye po ang one and only Wildflower ng Pilipinas na si Maja Salvador!

Ang Niña Niño ang ongoing feel-good family-oriented series ni Maja Salvador sa bakuran ng TV5. Kasama niya rito si Empoy bilang kanyang love interest at ang baguhang si Noel Comia Jr.

Sure kami na marami na ang Kapamilya viewers na nakakamiss kay Maja, kaya naman thrilled din kami na ibahagi sa inyo ang bagong ‘behind the scenes’ vlog o BTS ng Niña Niño set na si Maja mismo ang kumuha.

 

In fairness, mukhang maaliwalas at good vibes lang ang aura ng set, na nagrereflect sa mismong palabas na napapanood na gabi-gabi sa primetime. Maliban sa TV show na ito ay busy rin si Maja sa kanyang bagong karera bilang isang talent manager. Abangan natin ‘yan, mga ka-Majasty!