VLOG WATCH: Nash Aguas and Mika dela Cruz react to their Goin’ Bulilit Days (Baby to Real Love!)

Vlog Watch

BATA PA LANG ay mukhang destined na talaga para sa isa’t isa ang mga child stars turned competent actors na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz. Parehong graduate ng Star Circle Quest Kids o SCQ Kids, nagkaroon ng oportunidad ang dalawa na magkatrabaho at maging magkaibigan na lalo pang lumalim ang kanilang samahan nang magsama sa Sunday kiddie gag show na ‘Goin’ Bulilit

Two years na rin magdyowa sina Nash at Mika at ngayon nga ay naglunsad pa sila ng sarili nilang YouTube channel as a couple. To make things interesting, binalikan ng dalawa ang ilan sa mga Goin Bulilit’ clips nila na nakakatuwa naman talagang panoorin.

Nar’yan ang eksena kung saan pinalo ni Mika si Nash dahil sa pagiging sutil ng huli. Meron pang eksena kung saan ekstra lang dapat sila pero nakakakilig ang kunwariang pagde-date nila sa park. Ngayon ay madalas nang mag-date ang dalawa as consenting adults. Angkyut!

Tara na’t samahan natin ang mga dating kiddie questors na balikan ang kanilang kilig days bilang mga bagets. Sa totoo lang, we feel old watching these clips! Ha-ha-ha!